EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4
DIAGNOSTIC/ACHIEVEMENT TEST
Pangalan: ________________________________ Iskor: ____________
Baitang: ________________________________________
Piliin ang titik ng tamang sagot.
- Ang entrepreneurship ay galing sa salitang French na entreprende na ang ibig sabihin ay _____.
- isaayos isagawa C. isabuhay D. isapuso
- Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang entrepreneur?
- Siya ay may matatag na loob, at tiwala sa sarili.
- Siya ay may kakayahan sa pagpaplano.
- Siya ay marunong lumutas ng suliranin.
- A,B at C
- Siya ang tapagtatag at Chief Executive Officer (CEO) ng Facebook, ang pinakasikat na social networking site nagsimula sa Estados Unidos.
- Jawed Karim Steve Chen C. Larry Page D. Mark Zuckerberg
- Hawak niya ang ilan sa mga nangungunang bangko sa bansa: ang Banco de Oro at China Banking Corporation.
- Henry Sy Alfredo Yao C. David Consunji D. Lucio Tan
- Si Steffi ay may Beauty Parlor. Ano ang serbisyong iniaalok ng negosyong ito?
- Nagluluto ng pagkain. Gumagawa ng muwebles.
- Nag-aayos ng buhok. Nananahi ng mga damit.
- Si Matteo ay may Panaderya. Anong produkto ang ibinebenta nila?
- gadget karne C. tinapay D. gulay
- Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng panuntunan sa paggamit ng computer, internet, at e-mail?
- Tiyakin kung aling website ang maaaring bisitahin.
- Magpainstall o magpalagay ng internet content filter.
- Makipag-unayan lamang sa mga kakilala o kaibigan tuwing online.
- A,B at C
- Ang virus ay _____.
- Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa.
- Isang nakakapinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang computer sa pamamagitan ng isang network.
- Nagtatala ng lahat ng mga pindot sa keyboard keystrokes at ipinapadala ang mga ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password.
- Isang mapagkunwaring program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong computer.
- Ang Trojan horse ay _____.
- Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa.
- Isang nakakapinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang computer sa pamamagitan ng isang network.
- Nagtatala ng lahat ng mga pindot sa keyboard keystrokes at ipinapadala ang mga ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password.
- Isang mapagkunwaring program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong computer.
- Ang lahat ay kasanayan sa ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at e-mail maliban sa:
- Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan ng computer.
- Nakahahanap ng impormasyon sa mga hindi rekomendadong sites sa internet.
- Nakapag-se-share ng files sa mga kamag-aral upang makatulong sa paggawa ng takdang-aralin.
- Nakasusunod sa mga patakarang pinagkasunduan sa responsableng paggamit ng computer, internet at e-mail.
- Alin sa mga sumusunod ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental?
- Nagdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
- Nagbibigay lilim at sariwang hangin.
- Nagdudulot ng polusyon.
- Nakasisira ng paligid.
- Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pagtatanim at pagpapatubo sa gumamela?
- buto dahon C. sanga D. ugat
- Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan at pagtatanim sa tuwirang pagpapatubo?
- Ihanda ang lupang taniman at diligan.
- Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging gabay.
- Gumawa ng butas sa ilalim ng buhol ay maghulog ng 2-3 butong pantanim.
- A,B,at C
- Paano isinasagawa ang cutting?
- Ang sanga ay pinuputol at itinatanim.
- Ang sanga ay pinuputol, pinauugat at itinatanim.
- Ang sanga ay pinuputol, binabalot at itinatanim.
- Ang sanga ay pinuputol, binabalatan, binabalot at itinatanim.
- Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagawa sa marcotting?
- Pagtanggal ng balat. Paglalagay ng lupa at lumot.
- Pagkaskas sa panlabas na hibla ng sanga. Pagpuputol sa sanga.
- Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng aso?
- Nagbibigay ito ng itlog. Mainam na bantay sa bahay.
- Nagbibigay ito ng karne. Magaling humuli ng daga.
- Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng pusa?
- Nagbibigay ito ng itlog. Mainam na bantay sa bahay.
- Nagbibigay ito ng karne. Magaling humuli ng daga.
- Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa bahay?
- ibon elepante C. tigre D. leon
- Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop?
- Panatilihing marumi ang kulungan ng hayop.
- Hayaan ang hayop na gumala sa kalsada.
- Bigyan ng sapat at malinis na tubig.
- Huwag pakainin ang alagang hayop.
- Saan dapat dadalhin ang namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit?
- Ibabaon sa lupa. Ibigay sa kapitbahay.
- Itatapon sa dagat. Hayaan sa loob ng kulungan.
- Sino sa sumusunod ang nagsasagawa ng tungkulin sa kanyang sarili?
- Si Steffi ay minsan sa isang linggo maligo.
- Si Jackson ay laging kumakain ng balanced diet.
- Si Matteo ay hindi marunong magsepilyo ng ngipin.
- Si Winston ay mahilig uminom ng softdrinks at kumain ng junk foods.
- Alin sa mga sumusunod ang mga kagamitan sa pag-aayos ng sarili?
- suklay, tuwalya, sepilyo, toothpaste cellphone, tablet, laptop, dvd player
- electric fan, washing machine, refrigerator baso, pinggan, tasa, kutsara
- Sino ang nagpapakita ng wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos na sarili?
- Si Winston ay humihiram ng damit panloob sa kapatid.
- Si Jackson ay nakikigamit ng toothbrush ng kanyang tatay.
- Si Matteo ay gumagamit ng shampoo na akma sa klase ng kanyang buhok.
- Si Steffi ay hinahayaang humaba nang husto ang kanyang mga kuko sa kamay at paa.
- Paano mapapanatiling malinis ang kasuotan?
- Magsepilyo ng ngipin kung kailan gusto.
- Gawing panlaro ang damit na pamasok sa paaralan.
- Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan ang damit.
- Kapag namantsahan o narumihan ang damit, itambak sa labahin upang matanggal ang mantsa.
- Alin sa mga sumusunod ang kagamitan sa pananahi ng kamay?
- kutsara at tinidor palakol at asarol
- karayom at sinulid cellphone at laptop
- Sino ang nagpapakita ng mabuting pag-uugali bilang kasapi ng mag-anak?
- Si Steffi ay laging sumusuway sa utos ng magulang.
- Si Jackson ay nagmamano sa magulang bago umalis at pagdating sa bahay.
- Si Matteo ay umaalis sa bahay na hindi nagpapaalam sa kanyang tatay o nanay.
- Si Winston ay hindi marunong gumamit ng po at opo kapag nakikipag-usap sa nakakatanda.
- Alin ang gawaing makakatulong sa pangangalaga sa maysakit na kasapi ng pamilya?
- Panatilihing malinis at maaliwalas ang silid ng maysakit.
- Maglaro sa loob ng silid ng maysakit.
- Maghabulan sa kuwarto ng maysakit.
- Magkuwentuhan sa silid ng maysakit.
- Paano ka makakatulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay?
- Alukin ng maiinom o makakain ang bisita.
- Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng bahay ang bisita.
- Magalang na magsimula ng kuwentuhano kamustahan sa isa’t isa.
- A, B at C
- Alin sa mga sumusunod ang wastong gagamitin sa pagwawalis ng magaspang na sahig at bakuran ng bahay?
- walis tambo walis tingting C. basahan D. vacuum cleaner
- Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagwawalis?
- Lakasan ang pagwawalis upang hindi lumipad ang alikabok.
- Gamitin ang mga kamay na pandakot sa naipong dumi.
- Simulan sa sulok ang pagwawalis papuntang gitna.
- Umpisahan sa gitna ang pagwawalis.
- Sa anong pangkat ng pagkakain kabilang ang mga prutas at gulay?
- Go Grow C. Glow D. Go, Grow, Glow
- Alin sa mga sumusunod ang hindi kagamitan sa pagsusukat?
- iskwalang asero meter stick C. ruler at triangle D. patpat
- Anong uri ng letra ang mga sumusunod: Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh?
- Text Script C. Gothic D. Roman
- Alin sa mga sumusunod ang produkto na ginagamitan ng basic sketching, shading at outlining?
- tocino softdrink C. damit pangkasal D. pritong isda
- Sino sa sumusunod ang gumagamit ng basic sketching, shading at outlining?
- inhinyero magsasaka C. mangingisda D. magtataho
- Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa basic sketching, shading at outlining?
- lapis, compass, protractor kutsara, tinidor, baso
- asarol, tinidor, pala pinggan, kaldero, planggana,
- Sino ang nakakasunod sa panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa?
- Nakikipaglaro si Steffi habang gumagawa.
- Si Jackson ay gumagamit ng angkop na kasangkapan sa paggawa.
- Inilalagay ni Matteo sa kanyang bulsa ang mga kagamitan sa paggawa.
- Hindi marunong mag-ingat si Winston sa paggamit ng mga matatalas na kagamitan.
- Alin sa mga sumusunod ang epekto ng di pag-iingat sa kapaligiran?
- Magiging masagana ng likas na yaman na pinagkukuna ng materyales.
- Maaaring maubos ang mga likas na yaman na pinagkukunan ng materyales.
- Lalong gaganda ang ating kapaligiran dahil sa hindi pag-iingat sa likas na yaman.
- Mas mapapakinabangan ang kapaligiran dahil sa hindi maayos na paggamit ng likas na yaman.
- Sino ang nagpapakita ng tamang gawi upang makatulong sa patuloy na pag-unlad?
- Si Steffi ay tinatangkilik ang sariling produkto o produkto ng Pilipinas.
- Si Matteo tumutupad sa lahat ng kautusan ng batas.
- Si Jackson ay nagbabayad ng tamang buwis.
- A, B at C
- Alin sa mga sumusunod ang dapat sundin sa pagpapatayo ng negosyo?
- Kumuha ng permiso sa napiling negosyo.
- Kumuha ng medical certificate ang nagtitinda.
- Kumuha ng sanitary permit at health permit kung ang negosyo ay may kinalaman sa pagkain.
- A, B at C
You must be logged in to post a comment.