DIAGNOSTIC TEST IN EPP V
Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang letra ng napiling sagot.
AGRIKULTURA
- Ang halaga o presyo ng halamang gulay ay ibinabatay sa mga ito maliban sa isa. Alin ito?
- Uri at klase ng halamang gulay
- Laki ng halamang gulay
- Itsura ng nagtitinda
- Haba at tagal ng pag-aalaga
- Napagkaisahan ng mga bata sa ikalimang baiting na magtanim ng bungangkahoy na mayaman sa bitamina A at C sa looban ng paaralan. Alin sa mga ito ang kanilang pipiliin?
- Kamote at gabi
- Kadyos at bataw
- Mansanas at ubas
- Guyabano at bayabas
- Ang mga gulay tulad ng kamote, gabi, saba at mais ay mayaman sa
- Bitamina
- karbohaydrato
- protina
- fats
- Ang compost ay isang organikong abono.Alin sa mga ito ang hindi maaaring gawing compost?
- Dumi ng hayop
- plastic at papel
- mga balat ng prutas at gulay
- tuyong damo o dahoon
- Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting dulot ng kaalaman ng palatandaan ng pag-ani?
- Malalaman kung kalian aanihin ang mga pananim
- Magaganda at hinog na produkto ang maaani
- Maiiwasan ang pagkasira at pagkabulok ng produkto
- Makakapagbigay ka ng ani sa kapitbahay
- Alin sa mga ito ang ang pinakamagandang dulot ng paggawa ng talaan ng puhunan at gastos?
- Makikita kung sino ang mga pinagbentahan
- Malalaman kung ang negosyo ay kumikita o nalulugi
- Malalaman kung kanino ka may utang
- Malalaman kung saan napunta ang pera
- Alin sa sumusunod ang hindi lahi o uri ng poltri?
- Maraming mangitlog o Egg type breed
- Mabilis lumaki o meat type breed
- Maraming mgitlog at mabilis lumaki o Dual type breed
- Panabong o fighting breed
- Alin sa mga manok na ito ang mainam na alagaan para itlog?
- Sekalb
- Cobb
- White leghorn
- Hubbard
- Alin sa sumusunod ang hindi paraan ng pag-aalaga ng isda?
- Paggawa ng palaisdaan
- Paggamit ng drum
- Paggamit ng malalking gulong
- Paggamit ng artipisyal na sapa
- Ang tilapia ay maari ng anihin pagkalipas ng _______.
- Isang buwan
- Dalawang buwan
- Tatlong lingo
- Apat na lingo
- Sa paggawa ng talaan ng pagsubaybay at pag-aalaga ng hayop/isda ay
- Isang tao lang ang gagawa
- Ayos lang na may ilang hindi masunod
- Maaring gawin ng kahit sinong miyembro ng pamilya na may libreng oras
- Ang gumawa lang ang nakakaalam
- Alin sa mga hayop na aalagan mo ang mainam na pagkunan ng gatas?
- Bibe
- Kalabaw
- Baboy
- Itik
HOME ECONOMICS
- Alin ang nagpapatunay na si Alden ay binata na?
- Lumalaki ang baywang
- Pumipiyok at may tumutubong buhok sa kilikili
- Lumiliit ang braso
- Lumalapad ang balakang
- Masakit ang puson ni Mae dahil siya ay may regla. Alina ng mabuti niyang gawin?
- Maligo
- Maglaro
- Magpatong ng hot water bag sa ibabaw ng puson
- Maglinis ng bahay
- Bakit tinuli ang isang lalaki?
- Upang maging macho
- Upang manatiling malinis ang dulo ng tunod
- Upang mabago ang kilos
- Upang maging matangkad
- Alin sa sumusunod ang walang katotohanan kapag may regla?
- Ang pagkaloka ay sanhi ng paliligo kung may regla.
- Ang maagang ehersisyo ay nakabubuti sa katawan
- Balutin ng dyaryo o plastic ang napking ginamit bago itapon sa basurahan
- Kumunsulta sa manggagamot kung parating nanakit ang puson.
- Ano ang gagawin mo upang maalis ang tsiklet sa iyong damit?
- Ibabad sa maligamgam na tubig, sabunin, ikula at banlawan
- Paghaluin ang kalamansi, asin, gawgaw at sabon, ipahid sa mantsa, ibilad at labhan
- Kuskusin ng yelo hanggang tumigas. Kayurin kutsilyo. Lagyan ng langis at kayurin hanggang maalis
- Pahiran ng turpentina ang may mantsa, sabunin sa mainit na tubig at banlawan.
- Ano ang iyong gaawin kung nais mong maalis ang pintura sa iyong damit?
- Ibabad sa maligamgam na tubig, sabunin, ikula at banlawan
- Paghaluin ang kalamansi, asin, gawgaw at sabon, ipahid sa mantsa, ibilad at labhan
- Kuskusin ng yelo hanggang tumigas. Kayurin kutsilyo. Lagyan ng langis at kayurin hanggang maalis
- Pahiran ng turpentina ang may mantsa, sabunin sa mainit na tubig at banlawan.
- Alin sa sumusunod ang tungkulin ng isang ina?
- Gawin ang mabibigat na Gawain katulong ang panganay na anak
- Gumawa ng badyet para sa pangangailangan ng mag-anak
- Haligi ng tahanan
- Maghanapbuhay upang magkaroon ng ligtas na tirahan, sapat na pagkain, maayos na pananamit at masayang pagsasama.
- Ano ang pinakamahalagang silid ng isang bahay at dapat na panatilihing maayos at malinis dahil dito hinahanda ang pagkain ng mag-anak?
- Silid-kainan
- Silid-lutuan
- Silid tulugan
- Silid tanggapan
You must be logged in to post a comment.